10 Uri ng Kaibigan

Madami ka bang kaibigan? Kilala mo na ba talaga silang lahat? Nakasisigurado ka bang kaibigan mo sila? Mag isip ka nga muna. Merong 10 uri ng kaibigan na naaayon sa kanilang kilos, paguugali at pakikisalamuha.10. Kaibigang Artificial – Eto ang mga taong tinatawag na “Plastik”. Sila ay kasing kunat ng plastik cover ng long brown envelop. Sila ang iyong mga kaibigan pag nakaharap lang at pag nakatalikod ay wala nang pakialam. Madalas kang makakarinig ng magagandang salita galing sa kanila. Sila ung magsasabi na magaling ka, kahit alam na ng marami na mahina ka doon. As in “Over na”.

9. Kaibigang Talangka – Eto ang uri ng kaibigan na may pag iisip na “Crab Mentality”. Sing liit ng crab ang utak nila kung magiisip sa kapwa. Sila ang mga no.1 fan mo, at sila rin ang no.1 na magbaba sayo. Sila ang kaibigan na ayaw mahigitan o ayaw kang sumikat. Natatakot silang mapagiwanan. Gusto nila kung saan ka magaling ay magaling din sila. Hindi sila nagpapahuli maliit man o malaking bagay yan.

8. The Parasites – Sila ang kaibigan na may linyang “kapit sa matatag” Sing tibay nila ang Buldog super glue kung dumikit. Ikaw ang positive at sila ang negative. Kung sa sentence sila ang independent clause. Sila ang kaibigang lalapit sa oras ng gipitan, magiging malambing kung kinakailangan at mambobola. Hindi sila mabubuhay pag wala ang tulong mo. Magiging kaibigan mo sila sa mga oras ng pagkakaipit. Pag nakuha na nila ang kailangan nila ay mawawala na sila.

7. Bodyguards – Eto naman ang uri ng kaibigan na laging bumubuntot sayo. Mas matibay pa sya kay robin kung dumikit kay batman. Sila ang kaibigan na namimili ng pakikisamahan. Gusto nila ay ang mga gwapo, siga, astig, mayaman at sikat. Naisip nila na pag nakisama sila ay magiging “cool” na rin sila. Galing noh.

6. Ka-i-bi-gan – Sila ang kaibigang daig pa si Romeo manligaw kay Juliet. Hindi nila hanap na maging kaibigan ka, kundi mas matindi pa dun. Sila ang mga dakilang manliligaw. Sila ang iyong kaibigan na may malalim na pagtingin sayo.

5. The Mushrooms – Eto ang uri ng kaibigang na may ugali na parang kabute. Sing tigas ng mukha nila ang bakal at hindi sila tintablan ng kalawang. Sila ang mga kabigang nagpapakita pag may birthday, binyag, kasal, swimming, outing at kung anu-anu pa mang espesyal na okasyon. Magugulat ka na lang at tatawag sila sayo at magtatanong kung pwedeng sumama sa mga lakad mo ng “libre!”

4. The Traitors – Sila ang kaibigang nang-iiwan ng kaibigan. Daig pa nila si terminator na mag terminate ng kaibigan. Sila ang mga kaibigan sa iyong mga paningin. Sila ang mga kaibigan mo pero hindi ka nila kaibigan.

3. Brothers/Sisters – Sila ang kaibigang itinuturing mo na parang kapatid dahil napamahal na siya sa iyo. Sila ang mga kaibigang nakakatanda sayo at mapag kukuhanan mo nang matinong payo. Hindi ka rin bibiguin nito pag dating sa kalokohan.

2. Golden Friends – Eto ang uri ng kaibigan na sobrang tagal nyo na magkakilala. Sila ung lumipas at lumipas ang panahon ay hindi ka kinalimutan at nanatili mo pa rin silang kaibigan. Sila ang lubusan mong mapapagkatiwalaan at kilalang-kilala ka na.

1. Tunay na Kaibigan – At last. Sila ang kaibigan na pinakarare sa lahat. Daig pa nila si spiderman kung tumulong sa iyo. Sila ang kaibigan na kahit nakatalikod ka man at walang nakatingin ay kaibigan mo pa rin. Sila ang kaibigang hindi nakakalimot kahit tumanda na kayo. Sila ang nag-aangat sa oras na bumabagsak ka at sila rin ang nagpapasaya sa oras na malungkot ka.

Waw? Ikaw san ka kaya diyan?  🙂

 

 

source:  http://www.marikinavalley.com/relationships/10-uri-ng-kaibigan/

 

About asweknowitlife

Live life.
This entry was posted in Self Help and tagged , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s